Posts Tagged ‘pacquiao’

Quikpost Numero Dos: In the News 12/17

As I browse for news, it happen that I got these three interesting topics from Yahoo! News:

1. Moving forward after the Manila hostage incident

Sinserong pasasalamat kay Tsang para sa kanyang sinabi. However, the question is, “How can we assure that no more OFWs in HK will be harassed by their bosses?” Maraming buwan na rin naman ang nakalipas ngunit tandaan na nakatatak na ito sa isip at puso ng mga taga-Hong Kong. Marami nang napabalitang hinaras at tinanggal sa trabaho. I do recognize that it was a fault by a Filipino but it should not be used as a derogatory trait for all of the Filipinos.

2. Credible Celeb Endorsers

The top endorsers are:

Manny Pacquiao – Now I know.
Vicki Belo – Only Belo touches my skin
Venus Raj – The Cream Silk “Stand Out” Commercial

Para sa akin, depende sa produkto kung epektibo nga bang endorser ang isang artista. Duda pa nga ako sa karamihan sa kanila kung totoo nga ba nilang ginagamit yung mga produktong yun. Nagpa-ayos sa stylist bago gawin yung shoot o ginamit niya talaga yung shampoo bago tanggalin yung helmet? Ganun ba talaga kalaki yung syanse na ginagamit sa pagluluto gamit ang isang granulated seasoning na sinlaki ng litro sachet ng juice? Sa madaling salita, hindi ako basta-basta maniniwala.

3. The Perfect Attendance

43 Congressmen have a perfect attendance in the plenary sessions in the 15th congress for the year 2010 (45 days after the opening). Sa totoo lang, mas masaklap na balita ito kesa sa mabuti. Bakit? 85% ang hindi perfect attendance. Malaking porsyento pa rin. Marami sanang batas ang maipapasa kung mas epektibo nilang gagawin ang dapat na tungkulin ng sangay na lehislatura at hindi sa iba pang bagay.

Andaming komento, ano? Haha.

Yun lang. Asado, signing off.

(P.S.: Congrats po kay Rep. Agapito Guanlao ng Butil Partylist sa kanyang perfect attendance. Hindi niyo po sinayang ang boto ko sa Butil noong nakaraang eleksyon. Nawa’y ipaglaban po ninyo ang pagsulong ng agrikultura ng Pilipinas.)